PAANO

Paano nga ba ang mag paalam?

Mag paalam sa taong nag paramdam sayo ng pagmamahal,

Mag paalam sa taong walang ibang iniisip ang iyong kalagayan,

Mag paalam sa taong iniintindi ang iyong kalokohan,

Mag paalam sa taong walang ibang hangad kundi ang iyong kasiyahan,

Ngunit kailangan pa bang manatili?

Kung ang dating Masaya napalitan ng lungkot,

Kung ang pagkakaintindihan ay naging poot,

Kung ang dating mainit ay ngayon ay nanlamig,

Kung ang dating pagmamahalan ay napalitan ng galit,

Pinipilit kung umiiyak, baka sakaling mawala ang bigat na nararamdaman,

Ngunit walang luha ang gustong pumatak,tila  nagsasabing wala ng ibang paraan,

Hindi na kayang ipagpatuloy at wala ng lakas para lumaban pa,

Sinasabi ng isip ko na huwag kang hiwalayan,ngunit sa puso ko ay kailangan kang lumisan.

Papalayain na kita habang may naititra pang pagmamahal

Papalayain  na kita para hindi na muling masaktan,

Papalayain kita dahil alam kong mas magiging Masaya ka sa iba,

Papalayain kita dahil iyon ang mas makakabuti saating dalawa.

Sana maintindihan mong kailangan ko itong gawin,

May mga bagay na kailangan ng tapusin,

Gusto ko lang sabihin mahal kita, ngunit hindi sapat para manatili pa,

Dahil kung ipagpapatuloy paulit-ulit lang tayo magkakasakitan,

Paalam, mahirap ngunit kinakailangan tapusin.

 

One response to “PAANO

Leave a Comments

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s