MAHAL

Ang pag-ibig ay punong-puno ng hiwaga, hiwagang nagpapatungkol sa taong nagmamahal. Ang pag-ibig ay punong-puno ng halaga, halagang nagpatungkol sa kanilang dalawa.

Sa apartment,doon sila unang nagtagpo, walang ideya na hahantong sa araw na ito.Ngiti ang unang naging unang komunikasyon, hanggan sa pinahalagahan na parang edukasyon.

Sa maraming araw na sila’y naging tapat, masasabi kong sila’y karapat-dapat. Naging matatag sa bawat pinagdaanan, asahang silang dalawa’y walang hangganan.

Saksi ang Diyos, sa lahat ng pinagsamahan, kung paano kayo pinagbuklod ng totoong pagmmahalan, kung paano kayo nangako sa isat-isa na magiging masaya, at kung paano kayo naging mas matatag dahil sa pananampalataya .

Alam niyong dalawa na mahal niyo ang isat-isa hindi kayo bibitaw hanggang sa huling hininga. Walang makakahadlang na kung sino pa man, at kayong dalawa lang habang buhay at magpakailanman.

Sa paghawak ng inyong mga kamay tila tadhana’y walang kamalay-malay. Nagsusuyuan at nag-ibigan ng walang sawa at walang humpay. Ito ang kwento ng dalawa na naging makulay.

Sa bawat pag-ihip ng hangin, sa bawat pag-sulyap at pagtingin, isa lang ang nasa dibdib at nasa isip, pangalan ay tibok ng puso maging hanggang sa panaginip.

Mga letrang M at H na bumubuo sa salitang Mahal -MAHAL ang naging tawagan . Nanabik sa pagsikat ng araw dahil sa pagmulat ng mata kapwa sila’y magkikita sabay haharapin ang panibago nilang estorya at doo’y bubuo ng sarili nilang pamilya. Kapwa biyaya ng Diyos na may kapal kapwa diyamante na sakanila’y ibinigay.

 

Leave a Comments

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s