ANO

Ano ba ang dapat maramdaman?

Noong oras na lumakad ka palayo at hindi na lumingon pa,

Sa mga huling sandali na walang ngiti at walang emosyun sa mga mata,

Mga araw na walang paramdam at tila nakalimutan na ang lahat ng alaala,

Noong panahon na adiyan ka pa ngunit hinayaang kitang mawala.

Ano nga ba ang dapat sabihin?

Sabihing ‘mahal kita’, kahit na ramdam kong hindi na sapat,

Sabihing ‘manatili ka’, kahit na alam kong hindi na dapat,

Sabihing kong’ gusto ko pa’, kahit na alam kong hindi ako ang nararapat,

Sabihin kong ‘okey lang’, kahit na hindi at lage nalang tayo nagkakagalit.

Minsan…

Kailangan mong bitawan kahit na ayaw mong iwan,

Kailangan mong ipagtulakan kahit na ayaw mong hiwalayan,

Kailangan mong kalimutan kahit na hindi mawala sa isipan,

Kailangan mong tuldukan kahit na may kailangan pang pag-usapan.

Bibitawan kita dahil nararapat lamang na gawin,

Pinagtutulakan kita dahil kailangan kang palayain,

Kakalimutan kita dahil kailangan  kitang lisanin,

Tutuldukan na dahil ayaw na kitang paasahin.

 

Leave a Comments

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s