KUWARTO

Ang bawat kanto ng silid ang tanging nakakaalam,

Sa unan ibinuhos ang pagluha at sakit na naramdaman,

Ang kumot ang tanging kayakap sa tuwing nahihirapan,

Ang musika ang tanging humihele sa damdamin na nasasaktan,

Ang papel at lapis ang tanging napagsasabihan ng mga hinaing,

Ang kisame ay nag silbing monitor ng ating mga alaala,

At ang bawat larawan na nakadikit sa pader ay tila kumukupas na,

Isip ang tanging kausap sa mga bagay na natapos at naglaho na,

Ang maleta na tila nag sasabing lagyan ng damit at umalis na,

Ngunit may mga bagay parin na nagbibigay pag-asa,

Ang bintana na nagsasabing maraming pang pagkakataon,

Ang pinto na nagbibigay ng daan para muling maging masaya,

Ang kable ng kuryente na nagsasabing merong liwanag sa gitna ng dilim,

Ang mga pako na nagsasabing kailangan kumapit para maging buo ulit,

Ang pintura na nagpapaalala na maraming bagay ang magbibigay kulay,

Ngunit hindi ko pa kayang buksan ang pinto para maging masaya ulit,

At hindi pa kayang buksan ang puso upang mag mahal muli,

Sa oras na ito gusto ko lang pakawalan ang bigat na nararamdamn ko,

At salamat sa silid na ito na naging taguan ng nararamdaman ko,

At salamat sa pagtatago ng secretong pinagkatiwala sayo,

Ikaw ang natatanging silid na hahanap-hanapin ko.

Leave a Comments

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s