SAAN

Maraming araw,linggo,buwan at taon, ngunit wala paring pagkakataon,

Saan na nga ba napunta ang inaasam na panahon?

Nasayang lang ang mga nabuong imahenasyon,

Buong akala ko sapat na ang  ibinigay na atensyon.

Nasayang ang mga paghahanda sa ating pagtatagpo,

Saan nga ba nakatago ang binitawang mga pangako,

Tila hinangin na at nadala sa kabilang dako,

At ang kaunting pag-asa ay tuluyan ng naglaho,

Alam kong hindi na nating kayang ibalik ang dati,

At hindi na kayang ayusin at magsimulang muli,

Kung may pagkakataon lang sana na magkita, kung saan tayo unang nagkakilala,

Doon ko ipapaalala ang mga araw na minsan tayo nanging Masaya,

Isang araw pag gising mo sana bumalik ka, kung saan mo ako iniwan,

Kung saan doon tayo dati bumubuo ng mga masayang alaala,

Araw-araw akong babalik at hihintayin na muli kang makita,

Kung saan doon tayo mag papasya , kung ipagpapatuloy pa o tuluyang ititigil na.

 

Leave a Comments

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s