PAG-IBIG

Ibat-ibang uri ang pag-ibig,mararamdaman sa ibat-ibang paraan,

Mahahanap sa ibat-ibang sulok at kahit pa sa baku-bakong daan,

Nawala ako, ngunit ang pag-ibig ang dahilan kung bakit ako nakabalik,

Nasaktan ako,ngunit ang pag-ibig ang dahilan kung bakit ako nagtiwalang muli.

Oo, mahirap hanapin ang totoong pag-ibig, ngunit minsan hindi ako napagod,

Hindi ako napagod maghintay dahil naniniwala parin akong may takdang panahon,

At ang tunay na pag-ibig ang magbibigay ng tamang pagkakataon,

Gaano man kahaba ang oras ang gugulin ko, hindi parin ako susuko,

At maghihintay ako sa pagdating mo sa buhay ko.

Sa pagdating mo, panagko handa na ako, handa na akong  magsulat muli ng panibagong yugto,

Panibagong kabanata, na tayong dalawa ang maglilikha ng mga salita,

Mga salita na hindi lang puro pangako, kundi sabay natin itong tutuparin hanggang sa pagtanda,

At sa bawat pahina ay lalagyan ng mabango at makukulay na tinta.

Nananabik ako sa ating pagtatagpo, dahil doon maipapakita ang pagmamahal na matagal ng itinago,

Ipaparamdam ko sayo ang pagmamahal ko,hindi ako matatakot dahil sigurado ako hindi ito maglalaho,

Hindi natin hahayaang may humadlang,at kung may pagsubok man hindi tayo susuko,tayo ay lalaban,

Sabay natin haharapin ang umaga,ipagpapatuloy ang istorya at bubuo ng masasayang alaala.

 

 

Leave a Comments

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s