KUMAPIT KA

May mga pangyayari sa buhay na mhirap intindihin,

Mga pagsubok na nagpapabigat ng damdamin,

Problema na hindi alam ang solusyon at mahirap isipin,

Mga pagsubok na mahirap iwasan at alisin.

Maraming katanungan na mahirap sagutin

Makakaramdam ng sakit,lungkot at poot  na sobrang lalim.

Hindi ka makabangon at hindi mo kayang  lumaban ng mag-isa,

Maiiwan ka, sa panahon na kailangan mo ng kasama,

Manghihina ka,sa oras na nasa gitna ka ng alon,

Hindi alam ang gagawin sa pagsabay-sabay ng paglagas ng dahon,

Hindi alam kung paano tatayong muli at kung paano aahon,

Ngunit sa kabila ng lahat ng problema at pasubok na nararanasan,

Maraming bagay na kailangan isantabi at magpatuloy sa laban,

Kailangan mo lang maging matatag at kumapit SAKANYA,

Iwan ka man ng lahat SIYA hinding-hndi ka NIYA iiwan,

Panghinaan ka man ng loob, bibigyan ka NIYA ng kalakasan,

Bitawan ka man ng lahat, SIYA hindi ka NIYA papabayaan,

Magulo man ang mundo at hindi mo maisip kung anu ang dapat gawin,

Ipikit mo ang mga mata mo, pakinggan mo ang sigaw ng puso mo,

May maririnig ka na boses na matagal ng sumisigaw para pansinin mo,

At ito ang magbibigay pag-asa sa buhay mo na akala mo’y patapon na,

“Anak,lumapit ka,bumalik ka,naghihintay AKO,mahal na mahal kita,kumapit ka SAAKIN hindi kita papabayaan

Leave a Comments

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s